-- Advertisements --

(Update) NAGA CITY – Patay ang isang katao habang sugatan naman ang 16 na iba pa matapos mahagip ng bus ang isang jeep sa Barangay Danlagan, Lopez, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Haide Caliso, 55.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Lopez-PNP, nabatid na binabaybay ng Eagle Star na minamaneho ni Eduardo Retal Boyano, 51, ang kahabaan ng kalsada sa lugar mula sa Bicol region at patungo sana sa Metro Manila.

Ngunit pagdating sa nasabing lugar, aksidente nitong nahagip ang isang Isuzu jeepney na minamaneho naman ni Rey Losa na sakay ang 16 mga pasahero.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver at mga pasahero na agad namang isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.