-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy pa rin ang puspusang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa tatlong katao sa bayan ng Tantangan, South COtabato na nagresulta sa pagkamatay ng isa at pagkasugat naman ng dalawang buntis.

Ito ang kinumpirma ni Capt. Junel Rey Gatera, OIC chief of police ng Tantangan MPS sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Gatera, nangyari ang pamamaril sa Prk. Namnama, Brgy. New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima na si Datu Ein Alamada, isang karpintero at residente ng nasabing lugar.

Samantalang sugatan naman sina Baila Mangapil at Chrsitina Bai Sanada na parehong mga buntis.

Sakay umano ng isang topdown ang mga biktima nang may kahina-hinalang XRM na motorsiklo na kulay na itim at puti ang sumusunod sa kanila.

Biglaan na lamang daw silang pinaulanan ng bala gamit ang kalibre .45.

Agad namang rumesponde ang mga kapulisan at nakita sa crime scene ang walong basyo ng bala.

Sa ngayon patuloy na inaalam ang identity ng mga suspek at inaalam din ang motibo ng krimen.