-- Advertisements --

1 patay, 2 menor de edad sugatan matapos magsalpukan ang 2 motorsiklo sa Quezon

NAGA CITY- Patay ang isang construction worker habang sugatan namang ang dalawa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Mainit Sur, Perez Quezon.

Kinilala ang namatay na si Felizardo Opulencia, 36-anyos, habang ang mga nasugatan naman na 9-anyos at 5-anyos na bata.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang binabaybay ni Felizardo ang nasabing lugar angkas ang dalawang menor de edad gamit ang kaniyang motorsiklo nang makasalpukan nito ang isa pang motorsiklo na minamaneho naman ng suspek na kinilalang si Clinton Refazo, 28-anyos residente ng Brgy Bagong Pag-Asa, sa nasabing lalawigan.

Dahil dito nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima gayundin ang suspek.

Agad naman na dinala sa ospital ang mga nasugatan ngunit, idineklara ring dead on arrival ang driver na si Felizardo.

Sa ngayon, patuloy pang nagpapagaling ang mga nasugatan gayundin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.