-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isa katao at dalawa ang naisugod sa pagamutan nang makuryente sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Jesus Tagaan, 40 anyos habang nalapnos ang katawan ng mga kasama nito na sina Maynard Igcalinos,30 at Rene Igcalinos, 51 ,mga residente ng Barangay Kalakakan Pikit Cotabato.

Nakuryente rin at nasugatan ang isang pulis na si Staff Sergeant Atilano Arandilla na tumulong sa mga biktima.

Ayon kay Pigcawayan Chief of Police,Major Ivan Samoraga na inaayos lamang ng mga biktima ang water reservior sa Brgy Bologo Pigcawayan Cotabato ng bigla silang makuryente nang masagi nito ang live wire ng Cotelco-PPalma.

Patay on the spot si Tagaan habang nalapnos ang katawan ng dalawa nitong kasamahan.

Agad sumaklolo si PSSG Arandilla ngunit aksidente itong nahulog at nagkasugat sa katawan.

Naisugod agad ang tatlo sa pagamutan at nagpapagaling sa kanilang sugat.

Nag-iimbestiga naman ang Pigcawayan PNP kung sino ang nag-utos sa mga biktima para ayusin ang tangke ng tubig at posibling may pananagutan ito sa pangyayari.