BACOLOD CITY – Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa pananaksak na nangyari sa Hacienda San Antonio 2, Barangay Dos Hermanas, Talisay City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt. Peter John Ramos, deputy chief of police ng Talisay City Police Station, kinilala ang suspect kay Alfonso Rompe Jr., residente ng Barangay Dos Hermanas, Talisay City habang ang biktima naman ay sina Alson Mesias, 30 anyos, residente ng Crossing Kamatis, Bago City; John Paul Bacong, 19 anyos; at Francis Bacong, 25 anyos, parehong mga residente ng Hacienda Esmeralda 1, Barangay San Fernando, sa nasabing lungsod.
Ayon kay Ramos, pauwi na ang tatlong biktima ng kanilang nakasulubong si Rompe na lasing mula sa isang birthday celebration.
Nilapitan sila ng suspect at tinanong kung kilala ng mga ito ang isang certain Panoy.
Nang sumagot ang mga ito na “oo”, bigla na lang itong nanaksak at tinamaan sa kanang bahagi ng dibdib si Mesias dahilan kung bakit ito namatay.
Sugatan naman sina John Paul at Francis at dinala sa ospital upang madapatan ng paggamot.
Nahuli naman ang suspect sa ginawang hot pursuit operations ng mga pulis.