BUTUAN CITY – Kumitil sa buhay ng isang babae habang dalawa naman ang sugatan ang naganap na aksidente kaninang alas 5:40 sa hapon sa may Purok-8, Barangay Los Angeles, Butuan City.
Napag-alaman na galing sa Cabadbaran city ang puting kotse na may plate number NEB 1606 at minamaneho ni John Mark Tuyor, trabahante sa Globe na taga Barangay 10, Buenavista, Agusan Del Norte nang na-sidesweep nito ang single motor na naka-parking lamang sa gilid bago bumangga sa kasalubong na pampasaherong multicab dahilang nabangga rin sa multicab ang nagsunod nitong itim na kotse na minamaneho sa isnag babae.
Dahil sa lakas ng pagkabangga, nawasak ang multicab na nagresulta sa agarang pagkamatay ng isang Jinky Pornes na nakaupo sa harapan ng multicab habang dinala naman sa ospital ang driver na asawa nito na si Jun Pornes na taga Barangay Taguibo, Butuan City at isang pasahero na nakilalang si Randy Pagalan, residente ng Barangay Sto. NiƱo, Butuan City.
Samantala, malaking pinsala rin ang natamo sa dalawang mga kotse ngunit nasa ligtas namang kalagayan ang mga driver nito.