NAGA CITY – Patay ang isang katao habang dalawa ang sugatan matapos ang nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Balubal, Sariaya, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing habang binabaybay ni Porferio Matamorosa, 34, sakay ang isa pang nagngangalang Michael Angelo, 29, ang kahabaan ng nasabing lugar nang bigla itong mawalan ng kontrol pagdating sa palikong bahagi ng lugar.
Dahil dito, nahagip nito ang kasalubong na isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Froilan Baustista, 29.
Kaugnay nito, agad na dinala sa ospital ang mga ito, subalit hindi na naisalba pa ang buhay ni Bautista na namatay habang ginagamot.
Una rito, nabatid na lasing si Matamorosa at ang sakay na si Angelo, na itinuturong dahilan para mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo.
Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.