-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante at dalawa ang nasugatan nang bumaliktad ang kanilang sinasakyan na multicab sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Arnold Papa-an,40 anyos habang sugatan sina Ronald Papa-an, 21 at Angel Fuentes,18,mga residente ng Barangay Libo-o M’lang Cotabato.

Ayon kay M’lang MDRMM Officer Bernardo Tayong na patungong town proper ang direksyon ng mga biktima sakay ng isang multicab at may kargang kahoy.

Akmang paakyat na sa aspaltong Highway ang multicab sa Barangay Bagontapay M’lang aksidente itong tumagilid.

Tumilapon sa gilid ng Highway ang bitkimang si Arnold Papa-an at nagtamo ng matinding sugat.

Dead on arrival na ito nang isugod sa isang ospital habang ginagamot naman ang dalawang kasamahan nito.

Paalala ng M’lang MPS sa mga nagmamaneho ng sasakyan na mag-ingat lalo na sa mga accident prone area.