-- Advertisements --

VIGAN CITY – Isang miyembro ng Philippine Army ang nasawi at dalawa ang naiulat na nasugatan sa naganap na engkwentro sa Brgy. Dili, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Namatay ang nasabing sundalo dahil sa pagsabog ng bomba sa nasabing lugar kung saan marami ang nasugatan.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan mula kay Maj. Rogelio Dumbrique ng 81st Infantry “Spartan” Battalion, tatlong engkwentro ang naganap sa nasabing barangay kung saan nakasagupa nila ang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army.

Aniya, nagpapatuloy ang isinasagawang hot pursuit operasyon ng Philippine Army laban sa nasabing gropo.

Sa ngayon inaalam pa ng militar kung mayroong namatay o nasugatan mula sa panig ng mga rebelde.