-- Advertisements --
Ph locator cotabato pikit

CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi at dalawa ang sugatan nang bagsakan ng bomba dakong alas-3:30 ng madaling araw kanina sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang namatay na si Misba Masla, habang sugatan naman sina Ali Masla at anak nilang si Edwin Masla, mga residente ng Sitio Butilin, Brgy Kabasalan, Pikit, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya, tinamaan ang hindi matiyak na bomba ang bahay ng mga biktima.

Nagtamo naman ng matinding sugat si Misba at on the spot na nasawi si Masla.

Ang dalawa naman ay naisugod sa pagamutan.

Bago ang pagsabog narinig ng mga sibilyan ang sunod-sunod na putok ng armas at mortar, sinundan pa nang pagpapasabog ng dalawang Agusta chopper sa hangganan ng Pikit, Cotabato at Datu Piang, Maguindanao.

Nagsagawa umano ng surgical strike ang militar laban sa grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF-ISIS inspired group.