-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay sa pamamaril ang isang katao at dalawa ang sugatan na nangyari sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Allan Saban Gagil, 38, may asawa, habang sugatan naman sina Norodin Masukat Guilani, 40, at Tgro Nagum Sapalon, 52, mga magsasaka at residente ng Sitio Ipil-ipilan, Barangay Cadiis, Carmen, Cotabato.

Ayon kay Cotabato police provincial director Colonel Maximo Layugan, habang lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Sitio Pedlambero, Barangay Liliongan, Carmen, Cotabato nag bigla silang pinagbabaril ng riding in tandem suspect gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Carmen.

Patay on the spot si Gagil na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo habang sugatan naman ang mga kasamahan nito na agad dinala sa Bukidnon Provincial Hospital.

Sinasabing alitan sa pamilya ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril sa mga biktima.

Patuloy pa rin namang isinasagawa ang masusing imbestigasyo sa kaso.