BUTUAN CITY – Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur upang malaman ang motibo sa pamamaril-patay ng dalawang hindi nakilalang mga responsable sa isang magsasaka.
Kinilala ni Major Rennel Serrano ang biktima na si Hilario Baldimor, 68, residente ng Sitio Canaan, Brgy. Mahubay sa naturang bayan.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, na pinasok sa kanyang tindahan ang biktima pasado alas-diyes nitong nakalipas na New Year’s eve at binaril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan habang dali namang tumakas sa hindi malamang direksyon ang mga suspek.
Samantala, patuloy pang ginagamot ang magsasakang si Federico Galvez ng Purok 6-A, Brgy. Bayugan 3, sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur matapos pasukin sa kanyang bahay at binaril sa ulo habang dali mabilis na tumakas ang mga salarin.
Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril.
Isa pang kaso nang pamamaril ang naganap sa Purok 4. Bgry. Camayahan, nitong lungsod ng Butuan City kung saan natamaan sa kanyang braso ang 21-anyos na si Anthony Salcedo Tajale matapos barilin ni Michael Gregorio, 27, gamit ang kalibre .38 na revolver.
Ayon kay Captain Dorado, station commander ng Butuan City Station-4, nakipag-inuman ang biktima kasama ang mga kaibigan nang bigla na lang lumapit ang suspek sabay bunot at kalabit ng kanyang armas na target ang biktima.
Ngunit hindi kaagad pumutok kung kaya’t nakatakbo pa si Tajale na naging rason na sa braso lang ito natamaan.
Nahuli naman ang suspek sa inilunsad na follow-up operation kung saan nakuha mula sa kanyang tirahan ang Indian pana at ang armas na kanyang ginamit sa krimen.