CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang driver at dalawa ang nasugatan sa vehicular accident sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Estallo Severo Jr., 38 anyos,may asawa na residente ng Barangay Poblacion Kidapawan City ,driver ng Hyundai Porter Dropside truck.
Sugatan naman ang helper ng Dropside truck na si Glenn Talapa Pantoja, 32 anyos, na taga Cebu City at ang driver naman ng 10 wheeler dumptruck na si Valenzuela Benedicto Seballos 53 anyos na nakatira sa Antipas, Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miredel Calinga na nangyari ang banggaan ng dalawang sasakyan sa Barangay Dalengaoen Pikit Cotabato.
Kapwa umano matulin ang takbo ng dalawang sasakyan at isa ang nag-overtake kaya bumangga ito sa kanyang kasalubong.
Naisugod ang tatlong sugatan sa Cruzado Medical Hospital ngunit binawian ng buhay si Severo na naipit sa kanyang minamanehong sasakyan.
Paalala ng mga otoridad sa mga driver na mag-ingat sa pagmamaneho para iwas disgrasya.(Bombo Garry Fuerzas)
Grade 12 student patay sa pamamaril sa President Quirino Sultan Kudarat