CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang truck driver at dalawa ang nasugatan sa vehicular crash sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Romeo Aquiño Gonzales na taga General Santos Drive, Koronadal City habang sugatan ang kanyang asawa at isang pahinante.
Ayon sa ulat ng Alamada PNP, patungo sana ang mga biktima sa Bayan ng Banisilan ngunit pagsapit nila sa Sitio Guo Barangay Rangayen Alamada Cotabato ay biglang nawalan ng preno ang trak sa matarik na kalsada.
Hindi na nakontrol ng driver ang manibela kaya bumulusok ito sa malalim ng bangin.
Nagkayupi-yupi ang trak at naipit ang driver kaya agad itong binawian ng buhay.
Agad na tinulungan ng mga residente ang dalawang mga sugatan at dinala sa pagamutan.
Paalala ng LGU-Alamada sa mga driver na mag-ingat sa pagmamaneho at siguraduhing kondisyon ang sasakyan.