-- Advertisements --
Patay ang isang pasahero ng motorized banca at nailigtas ang 22 iba pa ng ito ay lumubog sa Atimonan sa Quezon province.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 17 pasahero at anim na crew members ang lulan ng Gesu de Bambino nang ito ay lumubog dakong alas-12:30 ng tanghali.
Itinuturong dahilan ay dahil sa problema sa makina at malakas na alon.
Isa sa anim na crew members ang nasawi matapos malunod habang nailigtas naman ang 17 mga pasahero.
Dinala na ang mga ito sa bayan ng Alabat sa Quezon.
Patungong bayan ng Perez sa Quezon province ang bangka ng ito ay lumubog.