-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang construction worker at 3 sugatan nang araruhin ng pampasaherong van ang mga bahay sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Saidina Esmael na residente ng Barangay Sapakan Rajah Buayan Maguindanao.

Ayon jay Rajah Buayan Mayor Jack Ampatuan n amabilis umano ang takbo ng van at nawalan ng control ang driver at inararo ang mga bahay sa gilid ng kalsada.

Patay si Esmael na nagpahinga sa duyan sa gilid ng kalsada at tatlong mga pasahero ng van ang nasugatan.

Agad namang sumuko ang driver sa Rajah Buayan Municipal Police Station (MPS) at patuloy na iniimbestigahan.

Paalala ni Mayor Ampatuan sa mga nagmamaneho ng sasakyan na mag-ingat at dahan-dahan sa pagpapatakbo sa mataong lugar.