KALIBO, Aklan – Isa ang patay habang tatlong iba pa ang patuloy na ginagamot sa Ciriaco Memorial Hospital matapos na tumaob ang kanilang sinasakyang bangka kasama ang 17 iba pang Chinese nationals na nailigtas sa baybaying sakop ng Sitio Diniwid, Barangay Balabag sa isla ng Boracay.
Kinilala ni Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)-Malay ang nasawi na si Hong Fang Kuai, 45, habang ang mga sugatan ay sina Le Lu, 11; Lou Mei, 60; pawang mga residente ng Su Zhuo, China at Guo Yue, na siyang nagsisilbing tour leader.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Malay PNP, ang 21 dayuhan na pawang mga babae hay lulan ng bangkang MB Jovelyn 1 na inilalayag ng boat captain na si Jemir Fernando galing sa isang island hopping.
Pagdating aniya nila sa area ng Boracay Terraces ay bigla na lamang hinampas ng malakas na hangin at malalaking alon ang kanilang bangka dahilan na pinasok ito ng tubig at tumaob.
Kumapit sa bangka ang ilan sa mga ito habang ang iba naman ay hindi marunong lumangoy at wala pang suot na life jackets
Nang mapansin umano ng mga sakay ng speed boat at motorbanca ang mga biktima na humihingi ng tulong ay kaagad nila itong nilapatan at iniahon sa tubig.
Samantala, nakabalik na sa kani-kanilang hotel ang 17 turista na sa maayos ng kalagayan.
Ang insidente ay patuloy pa na iniimbestigahan ng Philippine Coastguard (PCG)-Aklan.