CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa nangyaring engkwentro ng mga armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na nagkasagupa ang mga armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Dawlah Islamiyah ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (DI-BIFF) sa Barangay Tuayan Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao.
Tumagal ng halos tatlong oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig gamit ang mga matataas na kalibre ng baril.
Dahil sa takot ng mga sibilyan ay lumikas sila patungo sa mga ligtas na lugar.
Humupa lang ang engkwentro ng MILF AT BIFF na dumating ang tropa ng militar at pulisya.
Isa ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa barilan ng dalawang Moro Fronts.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng Joint Task Force Central katuwang ang MILF laban sa BIFF sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao.