GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring barilan na ikinasawi ng isang katao at tatlo ang sugatan dahil umano sa land conflict sa Purok 1, Viray Lising, Brgy Glamang, Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay PLtCol. Johnny Rick Medel, hepe ng Polomolok Municipal Police Station nangyari ang alitan sa pagitan ng mga grupo ng mga settlers na Ogan Clan at mga security guard ng isang kompanya na humaNtong sa pamamaril.
Kinilala ang namatay na biktima na si Efren Tadios, 48 anyos habang ang mga sugatan naman ay sina Kokoy Vilbar, nasa hustong gulang, Christian Mike, 23, taga Prk 1, Brgy Glamang, Polomolok at Ian Labadia, 37, may asawa na taga Lanton Apopong, Gensan.
Kuwento naman ng misis ng biktima na si Corazon Tadios, nasa kubo sila ng dumating ang mga kalalakihan na may bitbit na maraming baril at binaril ang mister nito na sanhi ng pagkamatay nito.