-- Advertisements --

Patay ang isang sundalo dahil sa pag-aamok ng kapwa sundalo sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Gregorio del Pilar sa lungsod ng Baguio.

Sinabi ni PMA spokesperson Maj. Cheryl Tindog, isang Philippine Air Force (PAF) Airman 2nd Class ang nagwala umano.

Inawat ng kasamahan nito ang nagwalang sundalo.

Dahil dito ay tatlong sundalo ang sugatan sa insidente.

Unang dinala ang mga ito sa Fort del Pilar Station Hospital bago inilipat sa Baguio General Hospital.

Hindi naman binanggit ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasangkot sa insidente.