KORONADAL CITY – Nagresulta sa pagkamatay ng isang sibilyan at pagkasugat naman ng 3 iban pa kabilang ang dalawang marines sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng NPA sa Sitio Kapatagan, Barangay Karim, Buldon, Maguindanao.
Ito ang inihayag ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6ID, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Baldomar mga kasapi ng Guerilla Front 53 at 56 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) ang mga nakaengkwentro ng 1st Marine Brigade at 63rd Marine Company Force Reconnaisance Group na nagresulta sa pagkamatay ng isang sibilyan at pagkasugat ng 3 iba pa kabilang ang dalawang mga marines.
Sa isinagawang follow up operation, nahuli ng mga sundalo ang limang kasapi ng rebeldeng NPA sa Sitio Dimagalen sa nabanggit na bayan.
Kinilala ang mga nahuli na sina Omar Dimalapang Magarang alias Ka Anghel/Miguel – Political Guide; Vedencio E Obsid alias Ka Heron/Alen, Former Squad Leader; Ginalo Gargar Iladan alias Ka Gengen/Saysay , Medic; Erlinda Gablas Manseguiao alias Ka Angga/Lisa , Medic & Supply Officer; at Elino Pangasian alias Ka Iko/Tutong.
Nakuha din sa mga rebelde ang (2) caliber .45 pistols, three (3) magazines with 27 rounds of ammunitions for cal. 45, assorted medicines ate (1) 7.62mm converted M1 Garand rifle.