-- Advertisements --
police line

CALIFORNIA, USA – Hawak na ng mga otoridad ang kustodiya ng isang 19-anyos na binata sa Poway City matapos mamaril sa loob ng synagogue o house of worship ng mga Jewish kung saan isa ang naitalang patay.

Naniniwala si US Pres. Donald Trump na hate crime na maituturing ang insidente, gayundin ang alkalde ng siyudad na si Steve Vaus.

“At this moment it looks like a hate crime. Hard to believe,” ani Trump.

“I also understand from folks on the scene that this shooter was engaged by people in the congregation and those brave people certainly prevented this from being a much worse tragedy,” ayon kay Vaus.

Kinilala ang nasawi na isang matandang babae, habang ang tatlo ang sugatan.

Ayon kay San Diego County Sheriff Bill Glore, hindi malala ang injury na tinamo ng mga biktima.

Sa isang panayam sinabi ni Gore na gumamit ng AR-type assault weapon ang salarin.

Batay sa ulat, ipinagbigay alam ng suspect ang kanyang lokasyon at sumuko sa pulisya.

Sa ngayon sinusuri na raw ng mga otoridad ang social media posts at isang “open letter” ng binata kung may kinalaman ba ito sa motibo ng krimen.(CNN)