-- Advertisements --

Isa ang patay habang 30 katao ang nawawala sa paglubog ng isang pampasaherong barko sa India.

Nangyari ang aksidente ng magbanggaan ang dalawang bangka sa Brahmaputra river sa Assam state.

Ang bangka ay may lulan na 120 pasahero ng ito ay lumubog.

Nailigtas ang 42 pasahero ng sila ay lumangoy sa dalampasigan.

Patuloy ang ginagawang paghahanap pa rin ng mga otoridad sa nawawalang mga pasahero.