BACOLOD CITY – Patay ang driver ng ambulansya ng South Bacolod General Hospital habang sugatan naman ang tatlong sakay nito matapos mabangga ng isang Montero Sport at tumama rin sa isang delivery van sa area ng San Sebastian – Lacson Street, Bacolod City ala una 1:15 ng hapon ng Miyerkules.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Major Jovil Sedel, hepe ng Bacolod Police Station 1, maghahatid sana ng pasyente sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang ambulansya ng bigla itong binangga ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Kenny Arillo, 21 anyos at residente ng Brgy. Alijis, Bacolod City na tatawid sana sa daan mula east to west.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang ambulansya at bumangga sa isang JMC Van na minamaneho ni Genesis Graellos mula north papuntang south.
Ayon kay Sedel, dinala sa ospital ang driver na si Jessie James Tranilla ngunit dineklerang dead on arrival.
Sugatan naman ang sakay nitong nurse na si Maria Cajeras, 30 anyos; auxillary na si Jose Francisco III Sombero, 34 anyos; at pasyente na si Vicente Limaco, 78 anyos.
Sa ngayon, ayon kay Sedel, nakadetain ang driver ng Montero na si Arillo habang pending for investigation naman si Graellos.
Ayon sa hepe, posibleng haharap si Arillo sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Injury at Damage to Property.