-- Advertisements --
Isa ang patay habang apat ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Bryan, Texas.
Ayon kay Police Chief Eric Buske na maaaring empleyado rin ng Kent Moore Cabinets ang suspek na namaril sa mga kasamahan nito.
Nasa loob aniya ang mga empleyado ng makarinig sila ng malakas ng putok ng baril.
Matatagpuan ang bayan ng Bryan sa Brazos County na mayroong 87,000 na residente.