-- Advertisements --

Patay ang isang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang apat ang sugatan, tatlo mula sa mga dating miyembro habang isa mula sa kasalukuyang pwersa matapos magksagupaan ang mga dalawang grupo sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Western Mindanao Commmand (WESMINCOM) Commander ang nasawi at tatlong sugatan ay mga tauhan ni Salik Kiko na dating miyembro ng 118th Base Command ng MILF habang isang sugatan sa tauhan ni Ben Tikaw na kasalukuyang miyembro ng 105th Base Command ng MILF.

Nagtagal ng anim na oras ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo.

Ayon kay Vinluan sa ngayon ay nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon para matukoy ang dahilan nang sagupaan ng dalawang grupo.

Agad namang idineploy ni Maj. Gen. Juvymax Uy, JTF Central Commander ang mga tropa ng 33rd Infantry Battalion sa lugar at naglatag ng mga checkpoint sa koordinasyon ng LGU at PNP, upang mapigilan ang “spillover” ng kagulugan sa mga matataong lugar.

May inilatag na ring checkpoint sa provincial roads sa Tukanalipao Mamasapano Maguindanao ang militar para mapigilan ang spill over ng sagupaan ng dalawang grupo lalo na sa mga matataong lugar.