-- Advertisements --

ARIZONA, USA – Patay ang isang tao at apat ang nasugatan matapos magbanggaan ang dalawang eroplano malapit sa Scottsdale Airport sa Arizona.

Ayon kay Scottsdale Fire Capt. Dave Folio, natagpuan ng mga rumespondeng bumbero ang isang taong patay na pagdating sa lugar ng aksidente.

Apat ang nasugatan, kung saan dalawa ang nasa kritikal na kondisyon at dinala sa mga pagamutan, habang isa ang hindi ibinigay ang kondisyon, at isa ang tumanggi sa paggamot.

Ayon kay Kelli Kuester, tagapagsalita ng paliparan, nagkaroon ng problema sa landing gear ng isa sa mga eroplano pagdating, na nagdulot ng maturang aksidente.

Nanggaling umano ito sa Austin.

Ayon sa Federal Aviation Administration, lumihis sa runway ang isang Learjet 35A matapos ang mag-landing at nabangga nito ang isang Gulfstream 200 business jet.