-- Advertisements --

Patay ang isang katao habang lima ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa isang kasiyahan sa Jackson, Mississippi.

Ang nasawi ay siyang suspek na nakipagbarilan sa mga rumespondeng kapulisan.

Sinabi ni Hinds County Sheriff Tyree Jones na mayroong hanggang tatlong suspek na lulan ng sasakyan ang namaril sa mga dumalo sa Mississippi Mudbug Festival.

Nasa ligtas naman na kalagayan ang mga nasugatang biktima.

Narekober rin ng mga kapulisan ang sasakyan na ginamit ng mga suspek kung saan nakita rin dito ang baril.

Nagsimula ang Mudbug Festival noon pang Miyerkules na magtatapos nitong Linggo.

Ito na rin ang ikalawang taon na ginanap ang festival sa Mississippi Department of Agriculture and Commerce.