-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinalungkot ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang nangyaring sagupaan laban sa mga rebeldeng New People’s Army o NPA matapos isang kasamahan nila ang napatay at anim ang sugatan sa bulubunduking bahagi ng Kapai,Lanao del Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Lt Col Gerry Besana nasa 50 ka mga NPA members ang naka-engwkentro ng 103rd IB,Philippine Army na unang na-engkwentro ng ibang tropa sa may Iligan City,Lanao del Norte.
Kumbinsido naman si Besana na maraming rebelde ang posibleng namatay o sugatan sa sagupaan lalo pa’t gumamit sila ng “super power artillery” sa nasabing engkwentro sa Lanao Sur.