-- Advertisements --

LA UNION – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa karambola ng ttalong sasakyan na naging sanhi ng pagkamatay ng isa habang anim na katao naman ang nasugatan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Amlang sa Rosario, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Rosario Police Station, parehong tinatahak umano ng trailer truck at ng elf truck ang naturang kalsada nang mangyari ang aksidente.

Pumalaya raw ang preno ng trailer truck na minamaneho ni Joel Vera Cruz ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, kaya bumangga ito sa kasunod na elf truck na hawak naman ng nagngangalang Crisanto Rabago ng Sual, Pangasinan, at nahagip din ang isang nakaparadang kotse.

Bumangga din ang trailer truck sa sementadong bakod ng isang paaralaan doon.

Dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawang driver kasama ang lima pa nilang pahinente upang malapatan ng lunas.

Ngunit isa sa tatlong pahinente ni Rabago ang namatay na nakilala sa pangalang Marcos Cachil dahil sa malubhang sugat na natamo nito sa katawan.

Sa ngayon, nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang pahinente at ang driver ng trailer truck.