-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isa katao ang nasawi at anim ang nasugatan sa salpukan ng jeep at pick-up truck sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Mohammad Nor Guiamad Kadil,driver ng Armak Jeppney na residente ng Datu Piang Maguindanao.

Sugatan naman sina Diokno Kadil,56 anyos,Eyyad Buisan,8 anyos,kapwa taga Datu Piang,kasama si Geraldo Segundera,73 anyos,taga Pigcawayan Cotabato na mga pasahero ng Armak Jeppney.

Sugatan naman ang mga sakay ng Toyota Hilux na sina Benjamin Labay Malang,driver at mga sakay na sina Nelson Adil,26 at Norhaina Mamadra Datumanong,mga residente ng Barangay Salimbao Sultan Kudarat Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat PNP na papauwi na sana ang mga pasahero ng Armak Jeppney sa bayan ng Datu Piang via North Cotabato na may kargang harina samantala ang Toyota hilux naman ay patungo sa Barangay Salimbao.

Habang binabaybay ng dalawang sasakyan ang national highway sa bahagi ng Barangay Ladia ay aksidenteng naganap ang salpukan.

Sa tindi ng banggaan ay wasak ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan.

Mabilis naman naisugod sa pagamutan ang mga sugatan habang ang nasawing driver ay agad namang iniuwi sa kanilang bayan.