-- Advertisements --
Navotas mayor toby tianco
Navotas City Mayor Toby Tianco

Kinumpirma ngayon ni Navotas City Mayor Toby Tianco na isa na ang patay habang umaabot sa 60 ang naisugod sa ospital matapos na magkaroon ng ammonia leak sa cold storage facility ng isang ice plant na pag-aari ng kanilang pamilya.

Ayon sa alkalde, naabisuhan umano siya sa pangyayari sa TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage pasado alas-4:00 ng hapon.

Sinasabing ang namatay ay 47-anyos na lalaki na empleyado rin ng ng ice plant.

Dinala umano ito sa ospital pero dineklarang dead on arrival.

Iniulat naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na nitong gabi ng Miyerkules ay humupa na ang chemical leak.

Navotas ice plant BFP
Ammonia leak at 115 North Bay Blvd, NBBS, Navotas City (photo @BFP_NCR)

Ilang mga residente rin sa paligid ng ice plant malapit sa 115 North Bay Boulevard sa Brgy. NBBS Properang ang una nang inilakas.

Sinabi naman ni Mayor Tianco sa isang statement na inabot din ng hanggang tatlong oras bago humupa ang matinding amoy sa lugar.

Tiniyak naman niya na inaasikaso na ng kanilang CSWDO ang pagbibigay ng food packs sa mga apektadong residente.

Kasabay din nito ang paghingi nang paumanhin sa kanyang mga nasasakupan.

Pinatigil na rin umano ang operasyon ng naturang planta ng yelo.

Iniulat din nito ang paglalagay ng first aid station ng lokal na pamahalaan doon sa area para sa mga nangangailangan ng first aid o tulong medikal.

Samantala karamihan naman sa mga residente na dinala sa pagamutan ay sa Navotas City Hospital at Tondo General Hospital.

“Nananatili rin po ang ating first aid station sa area para sa mga nangangailangan ng dagliang tulong medikal,” ani Mayor Tiangco. “Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga tumulong, lalo na ang ating mga volunteers at mga kapit-lungsod na nagpadala ng mga ambulansya at fire truck. Manatili po tayong maingat.”

Navotas ammonia leak
Navotas ice plant ammonia
Navotas PRC red cross ammonia ice plant
Red Cross responded to an ammonia leak in Navotas (photo @philredcross)