-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang 78-anyos na lola habang pitong katao ang nailigtas sa nangyaring sunog sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Elvira Osorio, 78, biyuda at isang Person with Disability (PWD).

Habang nailigtas naman ng mga pamatay sunog sina Helen Tenerife, may-ari ng Tenerife Eatery at isang senior citizen; Emily Teo, 24; Richard Tenerife, 45; Jayceville Tenerife, 30; George Tenerife, 9; Jessica Tenerife, 5, at Helena Tenerife, pitong buwang sanggol.

Ayon kay dating Cotabato Ist District Board Member Rolly Sacdalan na biglang nagliyap ang malakay apoy sa Tenerife Eatery malapit lamang sa Archdiocesan Shrine of Senior Sto Niño sa Brgy Poblacion 2, Midsayap, North Cotabato.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP-Midsayap) at tumulong din ang BFP-Aleosan, PPALMA Citizens Against Crime and Violence (PCACV) at ang De Rose Water Tanker na pagmamay-ari ni BM Sacdalan.

Dahil gawa sa light materials o kahoy ang kainan ay mabilis itong tinupok ng apoy.

Hindi na kumalat sa katabing bilding ang apoy dahil may pader itong semento.

Maliban sa nasawi na hindi nakalabas ng kanyang kwarto naisugod din sina Helen Tenerife at Emily Teo na nagtamo ng paso at pasa sa kanilang katawan sa Amado Diaz Provincial Foundation Hospital.

Maliban sa kainan na nasunog ay tinupoy rin ng apoy ang isang kotse,isang pick-up at isang multicab na pagmamay-ari ng pamilya tenerife.

Umaabot sa P1.5 milyon ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.

Nakatakda namang mamahagi ng tulong sa mga nasunugan ang LGU-Midsayap at BM Rolly Sacdalan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP-Midsayap sa nangyaring sunog.