-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng manhunt operations ang mga kapulisan sa Birmingham city, England, sa lalaking nag-amok gamit ang kutsilyo.

Dahil sa pangyayari ay isa ang nasawi at pito ang nasugatan.

Nangyari ang unang pananaksak sa Constitution Hill hanggang ito ay tumakas at pinagsasaksak ang bawat makitang tao sa Livery Street, Irving Street at sa Hurst Street.

Hindi namang itinuturing ng mga West Midlans police na isang uri ng terorismo o gang war ang insidente.

Wala ding nakita ang mga otoridad na isa itong uri ng hate crime.