KORONADAL CITY – Nag-iwan ng isang kataong patay habang walo naman ang sugatan sa nangyaring pagbanggaan ng isang topdown at kulay puting Toyota Hilux sa Prk.Mesias, Brgy. Paraiso lungsod ng Koronadal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Senior Master Sgt. James Gervacio, hepe ng Koronadal City Traffic, kinilala ang nasawi na si Ronnie Echuna , 35 anyos na residente ng Brgy. Tamnag, Lutayan, Sultan Kudarat na isa sa mga sakay ng topdown habang ang mga kasama nitong mga sugatan ay kinilalang sina, Reminito Pardoncillo, 26 anyos- driver, Jenalyn Echona, 47 anyos na pawang residente ng bayan ng Norala, South Cotabato; Jenny Diego, 25 anyos, ; Lucina Echona, 75 anyos, ; Dexter Rey Pradlas, 18 anyos; Jerson Elarmo, 16 anyos; Keven Klent Diego, 5 anyos;at Kent Ian Oaro, 6 anyos na pawang residente naman ng bayan ng Surallah.
Ayon kay Gervacio, papunta sa Upper Valley ang mga nakasakay sa topdown upang ipagamot sana si Ronnie Echona dahil sa kaniyang karamdaman ngunit dahil overloaded ang topdown, pumutok ang gulong sa harapang bahagi dahilan na dumiretso ang sasakyan sa kabilang lane at nabanggaan ang Hilux.
Dead on the spot si Echona habang patuloy na ginagamot ang iba pa.
Samantala, ligtas naman ang lahat ng sakay ng Hilux kabilang na ang driver na si Ennis Chris Bayaras Yap, 24 anyos, Brgy. Bambad, Isulan Sultan Kudarat.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Koronadal City Traffic Section sa naturang aksidente.