-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Ang madulas na kalsada dahil sa pag-ulan ang nakikitang dahilan ng pulisya sa banggaan ng trailer truck at closed van sa Tuao, Cagayan, kagabi.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng van na si Arnel Ulakit, habang sugatan ang kanyang pasahero.

Sugatan din sa insidente ang pitong sakay ng trailer truck.

Sinabi ni Pol. S/Sgt. Voltaire Cabbangan ng Tuao-Philippine National Police, inaalam na nila ang sinasabing namatay na rin ang ang dalawa kabilang ang isang babae.

Ayon sa kanya, sa kanilang imbestigasyon ay tinangka umano ng truck driver na iwasan ang isang drop wire at biglang nagpreno.

Gayunman, dumiretso ito sa kabilang linya ng kalsada dahil sa madulas umano ang daan dahil basa ito sa ulan, na nauwi sa pagkakabangga nito sa van.