-- Advertisements --

Patuloy na tinutukoy ng pulisya ang motibo sa hinihinalang knife attack sa siyudad ng Villeurbanne malapit sa Lyon, France na nag-iwan ng isang patay at nasa siyam na sugatan.

Ayon sa pulisya, nadakip na raw ang isang suspek na may bitbit na kutsilyo, na sinasabing isang 33-anyos na Afghan national.

Itinigil naman ng pulisya ang pagtugis sa umano’y ikalawang suspek.

Sinabi naman ni Lyon mayor Lyon Gerard Collomb, dakong alas-4:30 ng hapon (local time) inatake raw ng suspek ang mga residenteng nasa bus stop at saka tumakbo sa isang underground station.

Dito ay nadakip na siya ng ilang mga lokal at ng transport staff.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si French Interior Minister Christophe Castaner sa mga kaanak ng napaslang na biktima, nasa 18-anyos. (Reuters/ CNN)