-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ng Cabadbaran City, Agusan del Norte upang malaman ang motibo at matumbok ang responsable sa panraratrat at panununog ng isang bahay dakong alas-6:40 kagabi sa Purok 9, Brgy. Calamba ng naturang lungsod.

Ang insidente ay nagresulta sa pagkakasugat ng 52-anyos na magsasakang si Samson Villamor at pagkamatay naman ng kanyang step son na si Joel Abuabu Jr., 29-anyos, parehong residente ng naturang lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, limang di kilalang mga armado lalaki ang responsable nito kungsaan isa lang ang may dalang armas at syang nagpapaputok sa mismong bahay.

Narekober mula sa crime scene ang 18 mga fired cartridge cases ng M16 armalite rifle.

Dinala na sa Cabadbaran District Hospital ang patay para sa post mortem examination habang patuloy pang nagpapagamot ang kanyang step father.