-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isa ang nasawi at isa sugatan sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Kenneth labasan na nagtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi at hindi pa na kontento ang mga salarin dahil tinaga pa ang leeg ng biktima na halos maputol na.

Samantala masuwerteng nakaligtas naman ang kapatid nito na si Glen Labasan na mga residente ng Barangay Malanduage Kabacan North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya nangalakal ng bote at bakal ang magkapatid sa Brgy Natutungan Matalam Cotabato ng itoy biglang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Patay on the spot si Kenneth Labasan ng magtamo ng tama ng bala sa likod at taga sa ulo habang nakaligtas naman ang kanyang kapatid.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa pamamaril sa mga biktima.