-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng pulisya pamamaril sa mga trabahante na nag-harvest ng mga bunga ng isang palm tree plantation sa Purok 1, Brgy. Bayugan 2, San Francisco Agusan del Sur na kumitil sa isang buhay habang dalawa naman ang kritikal.

Naganap ang insidente kahapon ng alas-11:00 ng umaga sa Mt. Magdiwata sa nasabing lugar.

Nakilala ang namatay na si Rolando Ayaton, loader sa parmol na taga Purok-4 Barangay Libuac ng nasabing bayan habang ang mga kritikal na nasa ospital ay nakilalang sina Daniel Galemba, parmol driver at Jimmy boy Lucero, binata, parmol loader na parehong residente ng Brgy Maligaya, ng naturang bayan.

Napag-alamang sakay ang mga ito sa dalawang loader na may mga security escorts dala ang bunga sa palm tree nang sila’y pagbabarilin ng apat na mga lalaki na armado ng matatas na kalibre ng baril.

Gumanti pa ng putok ang mga security escorts ngunit hindi umano kinaya sa kanilang mga baril dahilan sa kanilang pagtakbo.