-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang katao at tatlong ang sugatan sa pagsabog ng Granada alas 9:10 nitong gabi ng Huwebes sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Oto Biangan Lamalan habang sugatan sina Esmael Landing,Anggara Mangadta at Kentol Macaalay na mga residente ng Purok 8 Barangay Kidama Maftalam Cotabato.

Ayon kay Matalam Chief of Police Major Arniel Melocotones na nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Brgy Kidama Matalam Cotabato.

Nang itoy usisahin ng mga opisyal ng Barangay ay nakita nila ang mga biktima na duguan at humihingi ng tulong.

Agad dinala ang mga sugatan sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay si Lamalan na sentrong tinamaan ng Granada.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naturang pangyayari.