-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pananambang sa mag-anak sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Nakilala ang nasawi na si Junior Sumlay,42 anyos,sugatan naman ang asawa nito na si Fatima Sacaria Sumlay,42,1 year old na anak ng mag-asawa at kanilang pinsan na si Guiaria Alamada Mohamad, 28-anyos,mga residente ng Barangay Nunangan Datu Anggal Midtimbang Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Roel Sermese na lulan ang mga biktima sa isang multicab at pagsapit nila sa Barangay Lower Salbu Datu Saudi Ampatuan Maguindanao Del Sur ay bigla silang tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang matunuganm nila na nagresponde ang mga pulis at sundalo.

Patay on the spot si Junior Sumplay na tinamaan sa ulo habang naisugod sa Maguindanao Provincial Hospital ang tatlong sugatan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Saudi Ampatuan PNP sa pananambang sa mga biktima.