-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dead-on-arrival sa ospital ang isang taxi driver habang sugatan naman ang tatlo nitong mga pasahero matapos ang mabundol ng isang Toyota Hilux dakong alas-11:10 kagabi sa national highway sa Purok 11, Brgy. Baan Km. 3 nitong lungsod ng Butuan.

Nakiala ang taxi driver nga si Vennie Moran Monteclaro, 56-anyos, may asawa at residente ng Aquarius St., Brgy J.P Rizal, nitong lungsod.

Habang ang kanyang mga pasahero na parehong sugatan at taga-Tandag City, Surigao del Sur ay nakilalang sina Nida Rosillo Madelo, 39-anyos, may asawa, residente ng Purok Pag-asa, Brgy Rosario; Mary Ann Mahilum Borja, 34-anyos, at Roberto Mahilum Pamaus Jr. 34-anyos, parehong may asawa at residente ngPurok kalipayan, Brgy. Bongtud.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungong westeng bahagi ng lungsod ang taksi na umano’y over-speeding at pagsapit sa naturang lugar ay nabundol ito sa biglang nag-u turn na Hilux na minamaneho ni Elvis Castillo Estrella, 44-anyos, may asawa, residente ng Purok-3, Brgy. Poblacion, RTR, Agusan del Norte, sanhi ng insidente.

Dinala sa Agusan del Norte Provincial Hospital ang driver ng Hilux na si Estrella at nasa kostudiya naman ng Butuan City Police Station 1 ang dalawang mga sakyanan na parehong may malaking danyos.