-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinaghahanap pa sa ngayon ang dalawang suspek sa pamamaril sa lungsod ng Sorsogon, partikular na sa Reloation Site, Brgy. Balogo.

Patay sa insidente si Jonathan Estareja Estepa, 28-anyos habang sugatan naman sila Cyril Escandor Pareja, 34 at2-anyos na bata.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na kumakain ang pamilya ng hapunan sa bahay ng dumating an mga suspek.

Bigla na lang pinaputukan ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ni Jonathan at pagkakasugat ng dalawa.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente habang dinala ang mga biktima sa ospital.

Iniimbestigan pa rin sa ngayon ang posibleng motibo sa pangyayari.