-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan nang magkasagupa ang dalawang armadong pamilya sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Tom Tuzon na sumiklab ang engkwentro sa Barangay Datu Karon Lebak Sultan Kudarat.

Ang magkaaway na pamilya ay may alitan sa lupa na kanilang sinasaka na humantong sa rido.

Pawang mga armado ng matataas na uri ng armas ang magkaaway na grupo na kapwa mga myembro umano ng isang Moro Fronts.

Humupa lamang ang barilan ng dumating ang pwersa ng 603rd Infantry Brigade at pulisya.

Isa ang napaulat na nasawi at dalawa ang nasugatan sa engkwentro.

Sa ngayon ay sinisikap ng LGU-Lebak na maayos ang gusot sa pakipagtulungan ng militar at pulisya.