LEGAZPI CITY – Nagpaalala ang Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan (SK3) sa mga motorista at mga biyahero na mag-ingat kung nasa kalsada.
Ito matapos masangkot sa aksidente ang isang delivery truck sa Sitio Lipata, Brgy. Bucalbucalan sa lungsod ng Sorsogon matapos bumangga sa bahay ng isang residente.
Nagresulta ang aksidete sa pagkamatay ng isa sa mga pahinante habang dalawang iba pa ang sugatan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay SK3 head Arnel Archinges, nagpatulong ang mga ito sa Sorsogon CDRRMO sa pagresponde dahil hindi naging madali ang pag-rescue lalo pa at naipit ang mga pasahero.
Naitakbo pa sa ospital ang naturang pahinante subalit idineklarang dead on arrival.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na inaatok at nakaidlip ang driver na mula pa sa Camarines Sur at patungo sana sa Bulan.
Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at tiitingnan kung may kopya ng CCTV na nakapag-capture sa nangyari.