-- Advertisements --

Nasawi ang isang pakistani at ligtas ang anim na mountain climbers sa naganap na avalanche sa isang kabundukan sa Northern Pakistan.

Pinangalanang si Mohammad Imtiaz ang namatay sa nasabing ekspedisyon.

Ayon kay Karrar Haidri, secretary ng alpine club, na naiahon na sa pagkakalibing sa snow ang anim na mountaineers at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa hilagang bayan ng Gilgit.

Sa ulat, ang mga climbers ay nasa altitude ng Ishkoman Valley na may taas na 5300 meters nang maganap ang avalanche.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nagsasagawa ng search and rescue ang mga awtoridad upang hanapin kung may mga nadamay pa sa nasabing insidente.