-- Advertisements --
image 173

Patay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP), matapos tambangan ng nasa 10 armadong tauhan na pinaniniwalang miyembo ng local terrorists group bandang alas-4:00 ng hapon, kahapon sa Barangay Pindululuhan, Picong, Lanao del Sur.

Bukod sa nasawi, ilang mga sugatan din ang naitala at kasalukuyang ginagamot na sa pinaka malapit na hospital.

Nagsasagawa ng Joint Law Enforcement Operations (JLEO) ang PNP at mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team – 2 (MBLT02) ng sila ay tambangan.

Kasalukuyang bina-validate pa na ng intelligence officer ng Marine Battalion Landing 2 ang nasabing insidente at nakikipag -ugnayan na rin ang mga sundalo sa Picong Municipal Police Station.

Sa ngayon hindi pa nagbibigay ng opisyal na report ang PNP at Philippine Marines kaugnay sa insidente.