-- Advertisements --

makaranas ng matinding turbulence ang isang Singapore Airlines.

Galing sa London ang nasabing eroplano ng maganap ang insidente kaya napilitan itong mag-emergency landing sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Kittipong Kittikachorn ang Director ng Suvarnabhumi airport sa Bangkok, na isang lalaking pasahero ang nasawi habang 18 ang dinala sa pagamutan.

Ang nasabing eroplano na isang Boeing 777-300ER ay mayroong 211 na pasahero at 18 crew na patungo sa Singapore ng ito ay mag-emergency landing.

Tiniyan ng airline company na bibigyan nila ng tulong ang mga naapektuhang pasahero.