KORONADAL CITY- Isang Ginang ang nasawi habang nasa higit sampu naman ang naospital dahil sa diarrhea sa Sitio Tinugas, Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Mayor Gandam, nasa 15 ang nakaranas ng mga sintomas ng diarrhea sa nasabing lugar matapos na uminon ng tubig mula sa balon (deep well).
Dagdag pa ng alkalde may 3 dinala sa South Cotabato Provincial Hospital kabilang na ang isang Ginang na binawian ng buhay dahil sa dehydration habang ang iba ay ginamot sa Barangay Health Center.
Sa nasabing bilang ng mga biktima, lima ang mga bata na nasa maayos na kondisyon na aa ngayon.
Napag-alaman na nagsagawa ang IPHO ng pagsiyasat sa lugar kung saan namigay din sila ng Oral Rehydration Solution o (ORESOL) sa mga nagkasakit.
Karamihan sa mga apektadong residente ay nakaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, at pagtatae.
Nagsagaw na rin ng sampling pinagkukunan ng tubig ng mga ito na posibleng na-contaminate dahil sa walang patuloy na buhos ng ulan.
Namigay na rin ng malinis ba inuming tubig ang LGU Lake Sebu sa mga apektado.